201 total views
Sinimulan na ang isang linggong pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng encyclical letter ni Pope Francis na Laudato Si ngayong Lunes, ika-18 ng Hunyo sa St. Scholastica’s College Manila.
Layunin ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas (GCCMP), ang nag-organisa ng pagdiriwang na ipalaganap pa ang kaalaman sa tamang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtalakay sa encyclical letter ng Santo Papa.
Pinangunahan ni CBCP NASSA/Caritas Philippines Chairman, Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang banal na misa bago simulan ang Deep Journey Into Laudato Si Symposium.
Ang isang linggong pagdiriwang para sa anibersaryo ng Laudato Si ay gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng NCR mula ika-18 hanggang ika-24 ng Hunyo.
Ang iba’t-ibang aktibidad para sa kabuuang linggo ng paggunita ng anibersayo ng Laudato Si:
Matatandaang una itong inilabas taong 2015 at ito rin ang unang encyclical letter ng Santo Papa tungkol sa tamang pangangalaga sa kalikasan.