1,479 total views
1-milyong pisong cash aid, ibibigay ng Caritas Manila sa mga sinalanta ng bagyong Rolly
Dahil sa matinding pananalasa ni super typhoon Rolly sa Bicol region at Luzon provinces, agad na tumugon ang Caritas Manila-ang social arm ng Archdiocese of Manila sa kagyat na pangangailangan ng mga nasalantang mamamayan.
Inihayag ni Fr.Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas ang inisyal na 1-milyong pisong cash aid sa mga Arkidiyosesis at Diyosesis na lubhang apektado ng bagyong Rolly.
Ayon kay Fr. Pascual, magre-release ang Caritas Manila ng tig-200 libong piso sa Archdiocese of Nueva Caceres, Diocese of Daet, Diocese of Gumaca, Diocese of Virac at Diocese of Legazpi.
Sinabi ni Fr.Pascual na ang cash aid ay gagamitin sa kagyat na tulong sa mga apektadong mamamayan.
Ang cash-aid ay bukod pa sa inihahandang relief goods ng Caritas Manila para sa mga naapektuhang residente.
Dalangin din ng Pari ang kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng super typhoon Rolly.
Nauna dito, binuksan ng iba’t-ibang dioceses ang kanilang mga simbahan upang magsilbing evacuation centers ng mga nagsilikas na residente.