945 total views
May 15, 2020, 1:25PM
Kabuuang 5.1-milyong indibidwal o 905,000-libong pamilya ang nabigyan ng tulong ng Simbahang Katolika o ng mga Diocese at Archdiocese na bumubuo sa Ecclesiastical Province of Manila, mga Church congregations at institutions.
Humigit kumulang sa 162-milyong pisong cash ang nai-release na tulong ng Simbahan sa mga mahihirap na pamilya na naapektuhan ng Enchanced Community Quarantine sa Metropolitan Manila at karatig na lalawigan.
Mabilis na tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng COVID-19 pandemic ang Archdiocese of Manila, Diocese of Antipolo, Diocese of Malolos, Diocese of Cubao, Diocese of Paranaque, Diocese of Imus,Diocese of Kalookan, Diocese of Novaliches, Diocese of San Pablo Laguna,Diocese of Pasig,Vincentian Foundation, Simbahang Lingkod ng Bayan,Tanging Yaman Foundation ng Ateneo, Camillians, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at Vides Foundation.
Sa inisyal na datos na nakalap ng Radio Veritas, ang mga nabanggit na diocese,archdiocese at mga church organizations ay nakapagbigay ng kabuuang 6,599 na sakong bigas, 200,756 na Manna bags at relief bags, 5,000 na Ligtas COVID kits, 186, 219 na assorted PPE’s, 13,570 meals, 2,080 na canned goods, mga noodles at mga wash items.
Kabuuang 72 parishes, 29 na group sector ang napagsilbihan ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila, 30-parokya at 15 Mission station ang nabigyan ng tulong ng Diocese of Cubao, 71-parishes sa Diocese of Novaliches, 31 parokya sa Diocese of Paranaque, 61 parishes sa Diocese of Imus, 16 parishes sa Diocese of San Pablo, 48 parishes sa Diocese of Antipolo, 14 parishes sa Diocese of Malolos, 12 parishes sa Diocese of Pasig.
6 mission stations naman sa Quezon city ang nabigyan ng tulong ng Vincentian foundation, 100 communities at 96 health institutions ang napagsilban ng SLB/Ateneo, 12 hospital at medical centers kasama ang 10 shelter communities para sa COVID frontliners ang nabiyayaan ng tulong ng Camillians at 100 mission stations ang natugunan ng tulong ng AMRSP.
Ang nai-release na tulong ng nasabing mga church organization, diocese at archdiocese ay bukod pa sa 1.3 bilyong pisong gift checks na ipinamigay ng Caritas Manila sa 5.7-milyong mahihirap na indibidwal sa Metro Manila at karatig na lalawigan.
Ang 1.3 bilyong pisong halaga ng GC ay bahagi ng Project Ugnayan ng Caritas Manila sa mga mayayamang negosyante sa pangunguna ni Jaime Zobel de Ayala.
Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ng Simbahang Katolika ang rehabilitasyon sa mga mahihirap na pamilyang lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ng Simbahang Katolika ang pagtugon sa mga nangangailangan sa kabila ng kakapusan ng pondong pinansiyal dahil sa pagbabawal sa lahat ng gawaing simbahan upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019.