224 total views
Itinalaga ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Seminaries ang sampung priest formators bilang board drafters ng New Ratio (rasyo) Fundamentalis Institutionis Sacerdotalis o The Gift of Priestly Vocation na mula sa Vatican.
Ang mga ito ay mula sa mga seminaryo sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao para bumuo ng bagong panuntunan ng paghuhubog ng mga seminarista.
Kabilang sa naitalaga bilang drafters si Msgr. Edwin Mercado ng San Carlos Seminary bilang kinatawan ng NCR, magsisilbi namang moderator si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Seminary.
Pinangunahan ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles ang commissioning sa mga kinatawan matapos ang 5-day seminar na nagsimula noong Jan.22-26, 2018 sa Cebu City.
Ang nasabing Ratio draft ay ipiprisinta sa general assembly ng CBCP.
Tiniyak din ng obispo na magkakaroon ng konsultasyon ang board drafters mula sa ibat ibang sangay ng CBCP.
Kabilang sa dumalo Sa ginanap na national conference on seminary formators sa IEC Convention Cebu City ang may 600 seminary formators mula sa ibat ibang seminaryo sa buong bansa.
Pangunahing din mga speakers sa conference sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle; Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo at Archbishop Jorge Patron Wong ang Secretary of the Vatican Congregation of the Clergy.