171 total views
Tagumpay subalit may masamang resulta.
Ganito isinalarawan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., ang 100 araw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon.
Sa kanyang personal assessment at reflection, ayon sa obispo, maganda ang naging kampanya at layunin ng administrasyon para masugpo ang iligal na droga, subalit napakasama naman ng naging resulta nito sa ating bayan na sumira sa ating reputasyon sa buong mundo dahil na rin sa laganap na Extrajudicial Killings (EJK).
Sa huling record ng Philippine National Police, nasa higit 1,300 na ang napatay sa kanilang operasyon kontra ilegal na droga kung saan nasa 3,000 naman ang kaso ng EJK.
“Sa drugs merong tagumpay na nakakamit pero may napakasamang resulta sa ating bayan dahil sa EJK, hindi maipagkakaila yan ay nangyayari at masasabi nating ito ay ginagawa ng mga taong may kaugnayan sa droga, higit 3,000 na ang napatay 2 weeks ago, ngayon hindi na malayo na mas malaki ngayon ang napatay na dahil sa droga, Maganda ang layunin, may magandang epekto pero mas malaki ang epektong masama gaya sa ekonomiya at sa ating reputasyon, napakasama na ng reputasyon natin sa mundo, he is bringing down the country while claiming that he is trying to liberate us from evil…” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.
Una ng inihayag ng Santo Papa Francisco na ang lahat ay may karapatang magbago lalo na ang mga nalululong sa bawal na gamot subalit kinakailangan ang suporta sa kanila ng lipunan at ng kanilang pamilya para sa tuluyan nilang paggaling na makatutulong sa pag-unlad ng kanyang sarili maging ng komunidad.