378 total views
Pinasalamatan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga pamilyang dumalo sa 10th World Meeting of Families sa Roma.
Tinukoy ng Santo Papa ang mga pamilyang nagbahagi sa unang araw ng pagtitipon na nagsilbi rin bilang mga kinatawan ng bawat pamilya na may parehong karanasan sa buhay.
“Your testimonies have acted as “amplifiers”: you have given voice to the experience of many families in the world, who, like you, live the same joys, anxieties, the same sufferings and hopes,” ayon kay Pope Francis.
Tiniyak ni Pope Francis sa bawat pamilya sa buong mundo ang pakikiisa ng simbahan lalo na ng mga pastol sa kanyang pamumuno sa bawat karanasan at hamong kinakaharap ng mga pamilya.
Ayon sa santo papa na sa kabila ng mga hamon ay mahalagang harapin ang mga pagsubok ng buong kababaang-loob at pagtitiwala sa Panginoon.
Tinuran din ni Pope Francis ang synodality o sama-samang paglalakbay ng bawat pamilya tungo sa nagbubuklod na pamayanan.
“My encouragement is above all precisely this: to start from your real situation and from there try to walk together: together as spouses, together in your family, together with other families, together with the Church,” ani ng Santo Papa.
Tema ng World Meeting of Families ang ‘Family Love: A Vocation and a Path to Holiness’ na nagpapakita ng mga karanasan ng mga pamilya mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Sa Pilipinas, may 24 na indibidwal ang dumalo sa pandaigdigang pagtitipon sa pangunguna ni Parañaque Bishop Jesse Mercado- pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Commission of Family and Life.
Bukod sa Roma, kasabay din ng pagtitipon ang local celebrations ng bawat diyosesis sa bansa hanggang June 26, kabilang na ang paglulunsad ng ‘family congress’.