Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

11,000 katutubo, mawawalan ng tirahan sa Kaliwa dam project

SHARE THE TRUTH

 763 total views

Naninindigan ang pinunong pastol ng Diyosesis ng Antipolo laban sa pagtatayo ng Kaliwa Dam dahil sa matinding epekto nito sa kalikasan at mamamayan.

Tinawag ni Bishop Francisco De Leon na malaking panganib ang dam sa komunidad ng Tanay partikular sa mga katutubong Dumagat – Remontado na naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre.

“Tutol kami [Diocese of Antipolo] sa Kaliwa Dam na gagawin dahil lulubog ang ilang lugar sa Tanay,” pahayag ni Bishop De Leon sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Obispo na tatlong diyosesis ang apektado sa pagtatayo ng dam ang Infanta, Laguna at Antipolo kaya’t maraming mga Filipino ang nanganganib mawalan ng tahanan at kabuhayan.

Naunang inihayag ng Dumagat tribe ang pangambang mawala ang mga lupang minana at sisirain ng dam ang mga lupang sakahan, kabahayan maging ang mga bahay dalanginan.

Sa pagtaya ni Dumagat tribe leader Octavio Pranada nasa 11, 000 katutubo ang pinangangambahang mawalan ng tirahan kapag masimulan ang proyekto.

Sinabi naman ni Bishop De Leon na may Quasi Parish ang nakatalaga sa Tanay Rizal kung saan sakop nito ang 12 mga kapilya na kabilang sa mawawala kung ipagpatuloy ang pagtatayo ng dam.

“Kapag natuloy ang Kaliwa Dam, 10 sa mga kapilya ay lulubog, so dalawa nalang ang matitira,” ani ng Obispo.

CHINA vs. JAPAN FUNDED DAM

Samantala, mas kinatigan ni Bishop De Leon ang dam proposal ng Japan kumpara sa China sapagkat maliit lamang ang maging epekto nito sa komunidad na pagtatayuan ng Kaliwa Dam.

“Mas mabuti pa ang mungkahi ng Japan sapagkat hindi ganoon kataas ang gagawing parang dam kundi mababa lamang kaya hindi masyado ang epekto sa environment, sa mga katutubo at kaunti lang ang mga kapilya na lulubog,” saad pa ni Bishop De Leon.

Batay sa mungkahi ng isang Japanese firm isang ‘weir’ ang gagawin o low type ng dam na may taas na 7 metro lamang mas mababa kumpara sa 62 meters high na mungkahi ng China.

Ipinagpilitan naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na mas kinakailangan ng bansa ang impounding dam tulad ng iminungkahi ng China na gagawa ng Kaliwa Dam project.

LIABILITIES

Hinihintay ni Bishop De Leon ang balak ng gobyerno sa mga katutubong maapektuhan sa gagawing dam at kung paano ang kabuhayan nito.

Binigyang diin ng Obispo na dapat igalang at pangalagaan ang karapatan ng mga katutubo kaya’t mahalagang ilatag ng mga namamahalang ahensya ang mga programa para sa mga residenteng maapektuhan.

“Dapat nakalista yung mga taong mananagot kapag may nangyari d’yan, yung mga pumirma ang dapat managot,” ani ni Bishop De Leon.

Kinondena rin ng Obispo ang kawalang pagpapahalaga sa mga environmental law.

Tiwala ang Obispo na magkakaisa ang mamamayan ng Antipolo sa pagprotekta sa kalikasan at kapakanan ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagtutol sa itatayong Kaliwa Dam.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 39,695 total views

 39,695 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 60,422 total views

 60,422 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 68,737 total views

 68,737 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 86,862 total views

 86,862 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 103,013 total views

 103,013 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
12345

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Kalikasan at halalan.

 3,779 total views

 3,779 total views Ito ang pangunahing paksa na tinalakay sa dalawang araw na pagpupulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay CBCP President, Kalookan

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112