Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,376 total views

12th Sunday of Ordinary time Cycle B
Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41

Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero siguro napakalakas ng unos na dumating sa kanila na sila mismo ay natakot. Akala nila lulubog na sila. Lubha silang natatakot noong ginising nila si Jesus. Hindi naman nila inaasahan na may magagawa si Jesus sa unos. Baka ginising nila si Jesus sa pag-asang papalakasin niya ang kanilang loob o tuturuan sila kung ano ang gawin nila upang sila ay maligtas. Kaya “guro” ang tawag nila sa kanya. Kilala nila siya na magaling na tagapagturo. Baka naman may maituturo si Jesus paano hindi sila malubog.

Pero iba ang ginawa ni Jesus. Pinatigil niya ang bagyo. Inutusan ang hangin at ang alon. At sumunod naman ang mga ito. Nagbago na ang pagkatakot ng mga alagad. Hindi na sila natakot sa unos. Natakot na sila kay Jesus. Nagkaisa sila sa pagtatanong: “Sino kaya ito na sinusunod ng hangin at ng alon?” Kulang pa ang pagkakilala nila kay Jesus. Hindi lang siya guro at tagapagpagaling. May kapangyarihan din siya sa bagyo. Kaya nga ang puna ni Jesus sa kanila ay: “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” Kulang ang pananalig nila kay Jesus kasi kulang ang kanilang pagkakilala sa kanya. May kapangyarihan siya tulad ng Diyos. Ngayon lang nila naranasan ito.

Ang Diyos lang ang may kapangyarihan sa dagat. Ang mga Hudyo sa panahon ni Jesus ay mga pastol at mga magsasaka. Kaunti lang sa kanila ang may karanasan sa dagat. Iyon lamang ang nangingisda sa tabi ng lawa ng Tiberias ang may karanasan sa dagat kasi iyan ang hanap buhay nila pero iyon ay lawa at hindi dagat. Kaya takot ang karaniwang mga Hudyo sa dagat. Kaya para sa kanila ang dagat ay masama. Doon nakatira ang Leviathan, ang monster ng dagat na malakas at makapangyarihan.

Narinig natin sa unang pagbasa sa aklat ni Job ang talumpati ng Diyos. Ilang beses na hinahamon ni Job na magsalita ang Diyos sa kanya at sagutin ang paratang niya bakit siya ay ganoon na lang naghihirap kahit na wala naman siyang kasalanan. Sa wakas nagsalita ang Diyos mula sa isang malakas na bagyo. Ang bagyo ay hindi ang absence ng Diyos. Nandoon siya sa gitna ng bagyo. Sinabi ng Diyos na siya ang may control sa dagat. Sabi niya: “Ang tubig ay nilagyan ko ng hangganan, upang ito’y manatili sa likod ng mga harang. Sinabi kong sila’y hanggan doon na lang, huwag na lalampas ang along naglalakihan.” Nakikita natin ito sa dalampasigan. Sigisigi ang pagtatangka ng alon na sampahan ang lupa pero napipigilan sila. May hangganan ang kanilang lakas. Ang Diyos ang naglagay niyan. Tulad ng may hangganan ang tubig ng dagat, may hangganan din ang kasamaan.

Pinakita ni Jesus na siya ay iyong Diyos na dakila na may control sa dagat at pati sa bagyo. Sumusunod ang hangin at ang mga alon sa utos niya. Napapatahimik niya ang mga ito. Kaya habang nagbabagyo at pinaglalaruan ng mga alon ang kanilang bangka, mahimbing si Jesus na natutulog, natutulog pa sa unan! Walang magagawa ang alon sa kanya; malakas ang kanyang tiwala, samantalang ang mga alagad niya ay takot na takot na lalamunin sila ng mga alon.

Ang pananalig ay nagbibigay sa atin ng katatagan. Kaya huwag tayong mabalisa. Nasa mabuting kamay tayo; nasa kamay tayo ng Diyos na mabuti, ng Diyos na nagmamahal sa atin at ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Siguraduhin lang natin na nasa ating piling siya, at tumawag tayo sa kanya, hindi na parang wala siyang magawa o hindi siya nakikialam. Kahit na parang natutulog siya, hindi niya tayo pababayaan.

Madalas din tayo nakakaranas ng mga bagyo sa ating buhay. Ito ay mga kalagayang mapeligro at parang hindi tayo makakaalpas. Nababalot tayo ng dilim at parang lulubog na tayo. Para sa iba ang bagyo ay ang kanilang kalusugan. Parang walang lunas na ang kalagayan, palala nang palala sila. Minsan ang bagyo ay ang kanilang hanap buhay. Mahirap ang hanap buhay at hindi na nakakaahon sa utang. Baka para sa iba ang bagyo ay ang kaugnayan sa mga malapit sa kanila sa buhay. Palaging nag-aaway sa pamilya at may nananakit pa. Maaaring iyan din ay ang bisyo. Nalulong sa bisyo at ayaw o hindi na nakaahon dito at naaapektuhan na ang lahat sa pamilya. Sa ganitong kalagayan, tumawag tayo sa Diyos. May magagawa siya. Pero huwag nating asahan na ang gagawin niya ay ang gusto nating gawin niya. Tandaan natin siya ang Panginoon at hindi tayo. Siya ang masusunod. Pero alam natin na may ginagawa siya kasi mahal niya tayo. Kaya manalig tayo hindi lang sa kanyang kapangyarihan. Manalig din tayo sa kanyang pagmamahal at hindi niya tayo pababayaan.

Tulad ng sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, magbago sana ang ating pagtingin, pati na ang ating pagtingin kay Jesus; hindi na ayon sa sukatan ng tao. Palalimin natin ang ating pagkilala kay Jesus. Noon ang pagkilala ng mga alagad kay Jesus ay bilang isang magaling na guro lamang. Hindi pa nila siya nakilala na may kapangyarihan sa dagat tulad ng Diyos. Hindi nila siya itinuturing na Diyos at na Diyos na mapagmahal. Kaya kailangan din mag-mature na ang ating pagkilala kay Jesus. Kaya niyang magligtas sa atin sa anumang bagyo sa buhay. Siguraduhin natin na nandiyan siya sa atin at tumawag tayo sa kanya. Kikilos siya dahil sa mahal niya tayo at makapangyarihan siya. Pero kikilos siya ayon sa kanyang paraan at ayon sa kanyang timing. Mas mabuti ito kaysa inaasahan natin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,408 total views

 35,408 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,064 total views

 50,064 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,179 total views

 60,179 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,756 total views

 69,756 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,745 total views

 89,745 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,797 total views

 5,797 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,894 total views

 6,894 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,499 total views

 12,499 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,969 total views

 9,969 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,017 total views

 12,017 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,345 total views

 13,345 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,591 total views

 17,591 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,019 total views

 18,019 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,079 total views

 19,079 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,389 total views

 20,389 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,118 total views

 23,118 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,304 total views

 24,304 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,784 total views

 25,784 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,194 total views

 28,194 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,470 total views

 31,470 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top