541 total views
Opisyal ng iprinoklama ng National Board of Canvassers na binubuo ng COMELEC En Banc ang 12 bagong senador na inihalal ng taumbayan sa naganap na 2022 National and Local Elections noong ika-9 ng Mayo.
Batay sa Canvass Report No.7 na kinabibilangan ng 172 na mga Certificate of Canvass o COC mula sa kabuuang 173 na mga COC, ay nangunguna na may pinakamadaming boto sa pagkasenador ang aktor na si Robin Padilla na nakakuha ng 26,612,434 na boto.
Sinundan naman siya ni Antique Rep. Loren Legarda na may 24,264,969 na boto,
Nasa ikatlong puwesto naman ang broadcaster na si Raffy Tulfo na may 23,396,954 na boto.
Na sinundan naman nina Win Garchalian na nakakuha ng (20,602,655 boto);
Chiz Escudero na mayroong (20,271,458 boto);
Mark Villar (19,475,592 boto);
Allan Peter Cayetano (19,295,314 na boto);
Migz Zubiri (18,734,336 na boto);
Joel Villanueva (18,486,034 na boto);
JV Ejercito (15,841,858 boto);
Risa Hontiveros (15,420,807 boto)
at ang huli ay si Jinggoy Estrada na nakakuha ng (15,108,625 na boto).
Nilinaw naman ng pamunuan ng COMELEC na hindi na makakaapekto sa 12 nanalong senatorial candidate ang natitirang mga hindi naipadalang boto mula sa Lanao del Sur at Shanghai, China kung saan inaasahan ang pagsasagawa ng special election sa ika-24 ng Mayo, 2022.
Nauna ng nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na igalang ang kagustuhan at desisyon ng taumbayan batay sa magiging resulta ng halalan sa bansa, kung saan dapat na magkaisa ang sambayanan upang tumulong sa mga bagong halal na opisyal ng bayan para sa ikabubuti at ikauunlad ng buong bansa.