189 total views
Nasa 12 parokya na lubog sa baha na sakop ng Davao Del Norte ang nahatiran na ng tulong ng Diocese of Tagum.
Ayon kay Rev. Fr. Emerson Luego, social action center director ng diocese, sa ngayon patuloy pa rin nilang binibisita ang iba pang lugar sa lalawigan maging sa Compostela Valley para malaman ang kanilang sitwasyon.
“Sa Davao del Norte lamang, 10 hanggang 12 na parishes ang nahatiran na namin ng tulong, di pa kasama ang Compostela Valley, Kasi 2 probinsiya ang sakop ng diocese of Tagum. Maghahatid kami ng relief goods at puntahan ang mga parokya ngayon para mapasok na at malaman ang kanilang sitwasyon.” pahayag ni Fr. Luego sa panayam ng Radio Veritas.
Kabilang sa mga bayan na binaha dahil sa mga pag-ulan ang Asuncion, Kapalong, New Corella, Braulio, Dujali at mismong Lungsod ng Tagum.