231 total views
Nagpapasalamat ang Diocese of Butuan sa mga patuloy na tumutulong sa kanila para makatugon sa mga apektado ng pagbaha sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Rev. Fr. Stepthen Brongcano, Social Action Director ng diocese of Butuan, ikinagagalak nila ang pagtugon ng iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika sa pangangailangan ng kanilang mga kababayan.
Gayunpaman, aminado si Fr. Brongcano na magpapatuloy pa ang kanilang pag-apela para sa mga apektadong parokya at residente.
Sa datos ng Diocese, 13-parokya at nasasakupan nito ang lubog pa rin sa baha.
“Magpapatuloy kaming nag-aapela sa mga parokya ng Diocese at nag-coordinate sa government for possible future need of the affected population. The affected parishes are La Paz, Talacogon, Esperanza, Guadalupe, Lingayao, Las Nieves, Bunawan, Loreto, Tungao, San Vicente, Baan, Bading at sa Cathedral.” mensahe ni Fr. Brongcano sa Damay Kapanalig.
Dagdag pa ng Pari katatapos lamang ng kanilang isinagawang presbyterium meeting kung saan inihayag ng mga Pari na may ilan na rin silang natatanggap na tulong mula sa iba’t-ibang organisasyon na agad na ipinamamahagi sa mga mamamayan.
Kaugnay nito, una nang ipinahayag ng Caritas Manila ang pagpapadala nito ng P300 libong sa Diocese of Butuan at P100 libo para sa Father Saturnino Urios University habang ang Caritas Philippines ay nagpadala na din ng P300 libo na naglalayong gamitin sa relief response ng nasabing Diyosesis.
Patuloy din ang panawagan ng Simbahan sa mga mamamayan na ibahagi ang sarili sa mga apektado ng baha sa Mindanao.
Read: http://www.veritas846.ph/ibahagi-ang-sarili-sa-mga-apektado-ng-baha-sa-mindanao/