Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

16-bilyong piso, na-avail na cash loans ng PAG-IBIG members sa 1st quarter ng taong 2023

SHARE THE TRUTH

 20,144 total views

Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang natulungan sa programa ng institusyon sa unang bahagi ng 2023.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar halos 16 na bilyong piso ang naipamahagi ng ahensya sa mga miyembrong nag-avail ng cash loans para sa kanilang pangangailangan.

“We at Pag-IBIG Fund exert all efforts in providing our members with assistance on their financial needs. We are happy to note that through our Pag-IBIG Multi-Purpose Loan, we were able to aid more than 700 thousand Filipino workers gain added funds to tend to their needs.” bahagi ng pahayag ni Acuzar.

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na mahigit sa dalawang milyong kasapi ng institusyon ang umaasa sa Multi-Purpose Loan para matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.

Dahil dito gumawa ng hakbang ang pamunuan para pabilisin ang proseso ng pag-apply ng MPL at iba pang programa ng ahensya sa pamamagitan ng mahigit 200 branches ng tanggapan sa buong bansa, online facility na Virtual Pag-IBIG na matatagpuan sa website; nito at ang Virtual Pag-IBIG mobile app.

“More than being a reliable source for cash, our MPL is now more accessible to members.” ani Acosta.

Sa nasabing programa maaaring makahiram ang mga miyembro ng hanggang 80 porsyento sa kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings na mula sa buwanang kontribusyon.

Maaari itong bayaran sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon sa mababang interes na 10.5 percent kada taon.

Sa mga nakalipas na taon mahigit na sa 90 porsyentong kita ang naibalik sa 15 milyong miyembro ng Pag-IBIG Fund sa pamamagitan ng dividendo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 8,231 total views

 8,231 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 26,963 total views

 26,963 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 43,550 total views

 43,550 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 44,815 total views

 44,815 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 52,266 total views

 52,266 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
12345

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 383 total views

 383 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112