168 total views
Umabot na sa 16 ang insidente ng sunog sa bansa mula March 1-2 kasabay ng Fire Prevention Month.
Kaugnay nito, ayon sa Bureau of Fire Protection, pakikipag-ugnayan pa rin ng komunidad sa mga kinauukulan at ang paulit-ulit na babala ang magliligtas sa publiko mula sa mga sakuna gaya na lamang ng sunog.
Ayon kay Renato Marcia, spokesman ng BFP, lalo na ngayong buwan ng Marso, Frie Prevention Month, dapat mag-ingat at kabilang na dito ang maging responsableng sa paggamit sa mga kagamitang de-kuryente dahil ito ang pangunahing sanhi ng sunog lalo na sa mga residential area.
“Mahalaga ang community involvement dito, dapat mag-ingat lalo na ngayon, tuwing Marso marami ang insidente ng sunog kaya ang tema ng BFP ngayon, “Kaalaman at pagtutulungan ng sambayanan, kaligtasan sa sunog ay makakamtan”. Usually mga electrical appliances dun nagkakaproblema kasi karamihan ngayon substandard na ang materials na nag ko-cause ng sunog.” Pahayag ni Marcia sa panayam ng Radyo Veritas.
Inihayag naman ni Marcial na karaniwan ng rumiresponde ang mga bumbero sa loob lamang ng 5 hanggang 6 na minuto at kung minsan tumatagal dahil sa hindi agad sila nabibigyan ng impormasyon sa insidente at dala na rin ng sobrang bigat ng daloy ng trapiko.
Kaugnay nito, inihayag ng BFP spokesman na nasa 392 pa na munisipalidad mula sa dating 565 sa buong bansa ang wala pa ring fire truck habang ang lahat ng lungsod ay mayroon na.
“Ang disaster response naming normally within 5-6 minutes, minsan nade delay kasi yhung mga nasunugan di alam ang phone number ng BFP, kaya hindi kaagad natatawag, minsan traffic, nakakaapekto sa delay ng response yan, pagdating doon may challenges pa minsan, inaagaw ang fire host naming dahil gusto unahina ng kanilang bahay,” sinabi pa ni Marcial.
Sa mga nais tawagan ang BFP tuwing may sunog, idial lamang ang hotline nila na 117 o kaya 729 5166