2,761 total views
Hinikayat ni Pontificio Collegio Filippino rector Fr. Gregory Gaston ang mananampalataya na ipanalangin ang mga bagong Filipinong pari na mag-aaral sa Roma.
Ayon kay Fr. Gaston, may 17 mga pari mula sa Pilipinas ang pansamantalang mananatili sa collegio upang mag-aral ng karagdagang kaalaman upang higit na makapaglingkod sa simbahan.
“Pagdasal nyo rin po yung 17 newcomers, mag-aaral dito mga pari ng iba’t ibang dioceses sa Pilipinas. Pinadala ng kanilang mga obispo para mag further studies. Ano ba ang ibig sabihin ng “further studies”, farther kasi malayo sa Pilipinas although further, ibig sabihin higher studies, graduate studies.” ayon kay Fr. Gaston.
Kabilang sa mga pari ay sina Fr. Marion Noel Bayaras at Fr. Kali Pietron Llamado mula sa Archdiocese of Manila.
Sinabi ng Fr.Gaston na ang mga pari ay mag-aaral ng apat hanggang limang taon kung saan kabilang ang theology, philosophy, licentiate at graduate studies.
Ang collegio ay itinatag noong 1961 sa pamamagitan ni Pope John XXIII bilang Home in Rome ng mga Filipinong pari na nag-aaral sa mga unibersidad sa Roma.
Sa kasalukuyan may 43 pari ang naninirahan sa collegio, kabilang na ang 33 mga Filipino habang 10 ang mga pari na mula naman sa mga diyosesis ng Burkina Faso, Cameroon, Congo, Japan, India, Sri Lanka, Taiwan at Vietnam.