600 total views
Ang bawat binyagan ay tinatawagan upang maging kabahagi sa pagpapatuloy ng misyon ni Hesus na palaganapin ang kaharian ng Panginoon sa sanlibutan.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa pagsisimula ng 17th Children and Youth Mission Festival sa arkidiyosesis na bahagi ng paggunita sa Mission Month tuwing buwan ng Oktubre.
Ayon sa Arsobispo, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng bawat binyagang Kristiyano’t Katoliko sa pagpapatuloy ng Simbahan sa misyon ni Hesus na palaganapin ang kaligayan, kapayapaan at pag-unlad sa sanlibutan.
“October is celebrated buy all Catholics from all over the world as the Mission Month, the event is significant for it reminds us to take part in the mission of salvation. We are not just part of the mission of Jesus we’re also active agents thus we can and must participate in the missionary activities of the Church, all Catholics, baptized Christians must work for the expandment of the kingdom here on earth and we all should experience joy, peace and progress.”mensahe ni Archbishop Tirona.
Inihayag ng Arsobispo na dapat isaisip at isapuso ng bawat isa na ang lahat ng mga gawain o tungkulin sa Simbahan at lipunan ay para sa pagsusulong ng dignidad ng kapwa bilang isang alay at pagbibigay luwalhati sa Panginoon.
Paliwanag ni Archbishop Tirona, kabilang sa kongkretong pagpapamalas ng pakikibahagi sa misyon ng Simbahan ay ang pananalangin, pagpapakasakit, pagkakawang-gawa at pagkakaloob ng tulong pinansyal sa kapwa.
“We should always bear in mind that all civic and religious activities that involve us must be for the glorification of God and the promotion of dignity of every human being. Our prayers, sacrifices and monetary contributions from our missionaries are concrete way of showing oneness for the universal mission of the Church. We must always be inspired by the work of Jesus and must be motivated by our loving service to God and our neighbors. ” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.
Binigyang diin naman ng Arsobispo na hindi lamang tuwing buwan ng Oktubre dapat na maging tagapagpatuloy ng misyon ni Hesus ang bawat binyagan sa halip ay sa bawat pagkakataon na maaaring ipadama at ibahagi sa kapwa ang pagmamahal at misyon ang Panginoon.
“Although we observe and celebrate the Mission Month of October in the Archdiocese of Caceres may all our months and days be moments of participation in the mission of Jesus that brings compassion, joy and peace. Let us promote mission, let us celebrate Jesus, let us move forward and gifted let us give that is the missionary spirit we must all live by.” Ayon pa kay Archbishop Tirona.
Tema ng World Mission Day 2021 ngayong taon ang “We cannot but speak about what we have seen and heard” kung saan mariing nananawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa bawat isa na higit pang pag-ibayuhin ang pagbabahagi ng habag at awa ng Panginoon.