Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

1st Misa de Gallo His Excellency Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila at Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

 801 total views

Homily
1st Misa de Gallo
His Excellency Luis Antonio Cardinal Tagle
Archbishop of Manila
Dec.16, 2019
Manila Cathedral

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpuri at magpasalamat sa Diyos sumapit na naman ang simbang gabi at tayo po ay tinipon niya.

Alalahanin po natin ang mga kapatid natin lalo na sa Mindanao na kahapon ay dumanas na naman ng lindol at mas malakas kaysa sa mga nauna pa.

Ako po’y nagpadala ng mensahe sa mga Obispo doon sa bahagi ng Cotabato, Davao, Davao Del Sur. Ang pinaka-naapektuhan ay yung nasasakupan ng Diocese ng Digos. At ang sabi ng Obispo kagabi meron pang isang pari na sugatan dahil inabutan ng lindol habang bumibisita siya sa isang malayong lugar. Pero sabi nung Obispo Chito, simbang gabi na bukas at ipapamalas ng sambayanan na kahit sa lindol ay may pananampalataya at ‘yon po ang diwa, ang diwa ng simbang gabi.

Pananampalataya, nananalig tayo at naniniwala na mayroong darating, Hesus ang diyos ang magliligtas. Emmanuel ang Diyos kapiling natin at sa darating na siyam na araw, Siya ang ating titingnan para sa pagdating ng pasko. Siya si Hesus talaga ang ating tanggapin ng mabago, magkaroon ng liwanag, magkaroon ng kapayapaan ang ating buhay, ang ating pamilya at nang ating sambayanan. Kaya makiisa po tayo sa mga kapatid natin na sa oras na ito baka nagsisismbang gabi hindi sa loob ng isang napakagandang simbahan katulad ng Manila Cathedral.

Subalit pinahahayag pa rin nila ang kanilang pananampalataya at ngayon ang araw ng unang araw ng simbang gabi ay ating pananalangin para sa kabataang Filipino. May hihilingin ako sa inyo, magsabi lamang ng totoo, sino sa inyo ang kabataan? Kasi nga po kailangan natin na himukin ang mga kabataan na lalo na pagpasko tumutok na kay Hesus. Kapag hindi pa magsimula ngayon bilang kabataan sa pagtutok kay Hesus kailan pa?

Huwag ng maghintay pa na merong mga mangyayari sa buhay bago tumutok kay Hesus gawin na ito bilang bahagi na pang araw-araw na buhay.

Simbang gabi, siyam na madaling araw o siyam na gabi. Ito po’y mga misa sa karangalan ng Diyos, sa pagbibigay niya sa atin ng isang babaeng nangangalang Maria na unang tumanggap kay Hesus bilang kanyang anak at sa siyam na buwan dinala niya si Hesus sa kanyang sinapupunan hanggang dumating ang pagsilang, siyam na buwan.

Sa siyam na simbang gabi parang sinasamahan si Maria ng siyam na buwan, bawat araw isang buwan ng pagbubuntis ni Maria at tayo naman sinasamahan natin siya, natututo tayo kay Maria papaano taglayin si Hesus sa ating buhay. Kaya tayo na, nagsimula ito ang unang araw tapusin ang siyam na buwan, tapusin ang siyam kung hindi baka ma-premature.

Hindi naman po puwedeng ang babae nagdadalang tao ay buntis sa Enero pag-Pebrero ay hindi na ulit, Marso buntis na ulit tapos Abril buntis ulit, Mayo hindi na naman buntis. Samahan ho? bakit walang sumasagot? Sasamahan ba? Sorry Mama Mary ‘ayan atin po itong devotion.

Bago po tuluyang maubos ang boses ko, atin pong tutukan ang mensahe ng mga pagbasa sa unang simbang gabi. Sabi po ng Panginoong Hesus sa ebanghelyo ni San Juan Bautista, ay nagpatotoo tungkol sa kanya sa pamamagitan ng pangangaral at buhay ni San Juan Bautista.

Siya ay nagbigay ng pagsaksi na tunay nga para tingnan ang Mesias, ipinakilala niya si Hesus. Iyan ang tungkulin ng saksi, siya ay nagpapatotoo, ang sumasaksi ay tao ng katotohanan at kay Juan Bautista hindi siya sumasaksi lamang sa isang bagay o isang pangyayari, siya ay nagpahayag ng katotohanan tungkol kay Hesus bilang sugo. Mesias galing sa Diyos Ama na pati nga siya hindi karapat-dapat na kalagan ang panali sa sandalias ng paa ni Hesus.

Si San Juan Bautista nagpatotoo tungkol kay Hesus pero sabi ni Hesus bukod kay Juan Bautista meron pang nagpapatotoo na siya nga ang isinugo ng Diyos Ama at ano yon? Ang mga ginawa ni Hesus. Ang mga bulag nakakakita, ang mga pilay nakakalakad, ang mga bingi nakakarinig, ang mga may ketong napapagaling, ang mga patay nababalik sa buhay at ang mga dukha nakakarinig ng Mabuting Balita, ang mga gawa ni Hesus sabi niya ay patotoo na ang Diyos nga ang kumikilos sa Kanya.

Marami kasing tao nagdududa kay Hesus, marami kasi sa kanila humahanga sa talino pero nakikita nila siya nakikisalamuha sa mga makasalanan, nakikikain sa bahay ng isang Zacheo na makasalanan. Kaya nagdududa sila ito nga ba ang sugo ng Diyos? Ang sabi ni Hesus tingnan ninyo ang mga nagpapatotoo sa akin,si Juan Bautista na hinangaan ninyo bakit hindi niyo siya paniwalaan?

At ikalawa ang mga gawa na aking nagagampanan dahil iyan ang gusto ng Ama, hindi niyo po ba nakikita ang aking mga gawa?

Mga kapatid naghahanda tayo para tanggapin nating lahat at marami pang tao si Hesus pero ang panawagan sa araw na ito kailangan ni Hesus ng mga magpapatotoo sa kanya. Lalo na sa mga taong ayaw maniwala kay Hesus, sa mga taong binabatikos si Hesus, sa mga taong minamaliit si Hesus, sa mga taong pinalitan na si Hesus.

Ngayong Pasko si Hesus ba ang pinanabikan ng iba? Mukhang hindi naman, ang pinanabikan ay bonus. Kapag may bonus pasko kahit walang Hesus.

Alam na alam lahat saan may discount pero yung ebanghelyo parang hindi naman yata mahalaga. Sa ibang palamuti sa pasko ni hindi nga nilalagay yung Belen kung saan sa araw ng pasko si Hesus, si Nino Hesus ay ilalagay. Anong mayroon, kahon, kahon na may ribbon, kahon na may na mga ano. Bakit? Ang isisilang ba ni Maria ay kahon? Ang ipinangako ba ng Anghel Gabriel kay Maria ay Maria maglilihi ka ng isang kahon na tatawagin siyang Pasko. At kapag hindi nakatanggap ng kahon sasabihin ay kuwarta o kahon,.

Yung mga kabataan hindi na alam yon. Kaya tama itong mensahe ng mga pagbasa. Pasko ngayon at kahit na hindi pasko kailangan mga tao na saksi kay Hesus. At ang mga paalaala ng Propeta Isaiah sa unang pagbasa ayon sa katarungan at laging matuwid ang inyong gagawin. Sabi ni Hesus kung sino yung unang saksi sa kanya? Juan Baustista, ano yung ikalawang saksi sa kanya? Ang kanyang mga gawa. Ngayon sasabihin ko kay Hesus. Hesus may ikatlong saksi na para sa iyo, ang mga nagsimbang gabi sa Manila Cathedral, sila ang sasaksi sayo tulad ni Juan Bautista sa kanilang maalab na pananampalataya at sa kanilang gawa.

Justice, goodness, love so that there will be peace on us. Tayo po, lalo na ang kabataan huwag lang kayo sasaksi sa mga bagay na mabibili. Ano ang moda at lalu na huwag kayong maging saksi ng kabulaan, kasinungalingan na ang tawag na fake news.

Alalahanin ninyo si Hesus pinatay dahil sa false testimonies at mga huwad na saksi, hindi iyan ang kailangan natin. Tunay na saksi ang nagpapatotoo kay Hesus, yan ang ating ialay sa kanya at matutuwa ang mahal na birhen sasabihin niya totoo nakita na nila na ang pinaglilihi ko si Hesus ay hindi kuwarta o kahon.

Tumahimik po tayo sandali at tanggapin ang misyon na sumaksi kay Hesus.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 30,446 total views

 30,446 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,102 total views

 45,102 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,217 total views

 55,217 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,794 total views

 64,794 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,783 total views

 84,783 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Manalangin at magkawanggawa, paanyaya ngayong Kwaresma

 4,012 total views

 4,012 total views Umaasa ang opisyal ng Vatican na maging daang paggunita ng Kwaresma upang higit pang mamulat ang bawat isa sa kalagayan ng mga nangangailangan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle – pro Prefect Dicastery for Evangelization sa misang ginanap sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma. Paliwanag ng Cardinal,

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle New Year’s Eve Mass at Manila Cathedral

 786 total views

 786 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2018 Mga minamahal na Kapatid sa Panginoong Hesukristo, Tayo po ay nagpapasalamat sa Diyos siya po ang tumawag sa bawat isa sa atin para lumabas ng ating mga bahay, tahanan pumarito at maging bahagi ng

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle PCNE Thanksgiving Mass

 780 total views

 780 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle PCNE Thanksgiving Mass @ Arzobispado Chapel, Arzobispado Manila -August 28, 2018 My dear brothers and sisters, we thank God for bringing us together in this Eucharistic celebration though every Eucharist is a thanksgiving. It is the supreme hearts of attitude and thanksgiving at this

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle Homily – Opening Activity Global Week of Action 2018

 749 total views

 749 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Opening Activity – Global Week of Action 2018 (GWA18) @ Minor Basilica of San Lorenzo Ruiz, Binondo, Manila June 17, 2018 First of all we give thanks to God for bringing us together as one family, as one community of faith and I would

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle CORPUS CHRISTI Homily

 915 total views

 915 total views Archdiocesan Celebration of the Solemnity of Corpus Christi and Declaration of Sta. Cruz Church as Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament June 3, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay napupuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos siya po ang tumawag sa ating lahat upang magsama-sama sa napakagandang hapon at

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Communion, Participation at Mission, instrumento ng God’s miracle

 835 total views

 835 total views Ito ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang dapat matutunan at manahan sa bawat isa upang maging instrumento ng Panginoon sa kanyang mga milagro tulad na lamang ng naging buhay ni St. Anthony of Padua. Sa kapistahan ni St. Anthony of Padua sa Bustillos, Sampaloc, Manila, inihalimbawa ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top