337 total views
Nakibahagi sa 1st National Virtual Conference for Grandparents and the Elderly na inorganisa ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life si Diocese of Parañaque Bishop Jesse Mercado na siyang incoming chairman ng komisyon.
Ayon sa Obispo, kahanga-hanga ang ginawang pangangasiwa ni Archdiocese of Lipa Archbishop Gilbert Garcera upang maisakatuparan ang pagtitipon na tugon sa deklarasyon ng Santo Papa Francisco sa kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly ngayong taon. Inihayag ni Bishop Mercado na napapanahon rin ang pagtitipon sa patuloy na paggunita ng bansa ng ika-500 annibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
“I would like to express my thanks once more to our outgoing chairman of the Episcopal Commission on Family and Life, The Most Rev. Gilbert Garcera D.D. who has been preparing for this wonderful conference and has shown the kind of leadership we need so that all are able to participate well in our celebration of the 500 years of Christianity here in the Philippines.” pahayag ni Bishop Jesse Mercado.
Ipinaliwanag ni Bishop Mercado na naaangkop rin ang tema ng idineklarang kauna-unahang World Day for Grandparents and the Elderly ni Pope Francis na “I am with you always” na naglalayong bigyang diin ang pagiging malapit ng Simbahan at ng mismong Panginoon sa bawat isa partikular na sa mga nakatatanda lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Giit ng Obispo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga lolo, lola at nakatatanda sa pagtataguyod ng isang maayos na lipunan gayundin sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano sa pamilya lalo na sa mga kabataan.
“Yes my dear grandparents, my dear elderly people you are not alone because you are special to us, you play a special role in the building up of our community especially of our faith during this time of trial, while we are going on our own experiences of the pandemic. During these days we are trying to reflect on the dignity and the role of the grandparents and the elderly people have in our society today and in our church.” Dagdag pa ni Bishop Mercado.
Tampok sa tatlong araw na 1st National Virtual Conference for Grandparents and the Elderly mula ika-22 hanggang ika-24 ng Hulyo ang pagbabahagi ng mga karanasan at pagninilay ng mga piling tagapagsalita sa pangunguna ni Archbishop Garcera na tatalakayin ang “The Dignity of the Elderly and their mission in our society and in the Church” na naglalayong higit na bigyang halaga ang dignidad at mahalagang papel ng mga lolo, lola at nakatatanda. Nakatakda ang kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly sa ika-25 ng Hulyo na malapit sa Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ang Lolo at Lola ni Hesus na patron ng mga lolo, lola at nakatatanda.