Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

1st Year Anniversary of Sanlakbay

SHARE THE TRUTH

 6,188 total views

Homily
His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
Basilica de San Sebastian
October 21, 2017

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at Espiritu Santo ng pag-ibig, tayong lahat po ay maging tunay na sambayanan, tunay na bayan na Diyos, sumasaksi kay Hesus at kumikilos ayon sa udyok ng Espiritu Santo.

Bawat isa ay espesyal subalit sa umagang ito mayroong ekstra na dahilan para maging espesyal ang misa. Nagpapasalamat po tayo sa Diyos sa isang taon na paglilingkod sa pamamagitan ng Sanlakbay, isang taon na po, parang kailan lang.

Noon sa Manila Cathedral atin itong inilunsad napakabilis ng panahon at nagpapasalamat po tayo dahil patuloy ang collaboration, nandito po ang mga kapatid sa kapulisan, sa DILG, sa barangay at iba’t-ibang organisasyon pang-simbahan man o hindi, ang ating media, ang atin pong mga benefactors at higit sa lahat ang ating mga kasanlakbay at ang kanilang mga pamilya – ito po ay pagdiriwang ng pag-asa.

Napakaganda naman po na ang bawat pagbasa sa araw na ito ay akmang-akma sa atin pong pagsisikap na tumugon sa tawag ng Diyos, sa patuloy na paglago, sa patuloy na pagpapanibago. Mayroong maitutulong ang bawat sektor ng lipunan. Ang mga doktor mayroon pong maitutulong sa kanilang medical expertise. Ang mga abogado sa pamamagitan ng kanilang legal expertise. Ang mga nasa law enforcement, ang mga katekista, ang mga social workers, ang Caritas, lahat po tayo ay nagtutulong-tulong.

Pero ano mang pagbasa natin mayroong iniaambag – pananampalataya na nagbibigay pag-asa. Simulan ko po sa Ebanghelyo. Sabi ni Hesus ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din ng anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harap ng mga anghel ng Diyos.

Pananampalataya. Faith. Ang pananampalataya po ay regalo ng Diyos, biyaya, grasya. Hindi po natin kaya na makaabot sa pananampalataya sa sarili lang nating lakas kaya araw-araw po tayo dapat ay nananalangin ‘Panginoon bigyan mo ako ng pananampalataya. Palalimin mo po ang aking pananampalataya.’

Ang pananampalataya po ay ibat ibang larangan. Ang tinutukoy ni Hesus sa Ebanghelyo ay ang pananampalatayang kumikilala sa Kanya bilang anak ng Diyos. Ang pananampalataya ay pagkilala sa Diyos. Kapag kinilala ko na ang Diyos ipapaubaya ko na ang aking sarili sa Kanya. Mananalig ako at susunod ako sa Kanya. Ang pananampalataya po ay dugtung-dugtong na.
Kinikilala ko Siya bilang Diyos, nagpapaubaya ako sa kanya bilang Diyos, mamahalin ko siya, paglilingkuran ko Siya, susundin ko Siya. Kaya nga lang po, marami ring kakumpitensya ang Diyos. Maraming nagpiprisinta ng Diyos. At kung minsan, itong mga nagpiprisintang mga Diyos sila ang madaling kilalanin, madaling pagkatiwalaan, madaling sundin at ang tunay na Diyos, isinasantabi.

Halimbawa po, pera. Ang pera isa yan sa napakalakas na huwad na Diyos. Basta pera kinikilala.

Naikuwento ko ito, nagkokomunyon ako sabi ko sa mga kabataan na kukumpilan, ‘Kapag nakumpilan na kayo sa tulkong ng Espiritu Santo si Hesus ang susundan niyo. ‘Opo’ sagot ng mga bata. Tinesting ko, sabi ko pagkatapos ng kumpil, ‘Ano ang uunahin ninyo pagbubulakbol o pag-aaral?’

Sagot sila ‘pag-aaral po’ tuwang tuwa naman ako, kinikilala na ang tamang Diyos. Ano kako ang mahalaga, panonood ng TV o pagdarasal?‘Pagdarasal po.’ Talaga naman puwede nang kumpilan. ‘Ano ang mas mahalaga, ang misa o 30 million dollars?’ 30 million dollars’, wala.

Kapag may ibang Diyos, pera, makinang, kay daling kilalanin, kay daling sundin at para sa pera kinakanta ‘Mag-utos ka Panginoon ko dagling tatalima ako.’ Minsan hindi naman kay Kristo kinakanta yun. Kinakanta sa pera, kaunting kapalit ng pera ‘Panginoon nandito po ako’.
Kapangyarihan. Aha! Matatapakan ko ang aking kapwa basta tumawag ang kapangyarihan ‘Panginoong kapangyarihan, narito ako susunod ako sa iyo.’ Wala akong pakialam kung mayroon akong natatapakan ikaw ang panginoon ko tatalima ako sa’yo.

Yabang, ambisyon. Kayraming buhay ang nasira dahil sa ambisyon. Inaalay pati kapwa tao bilang handog sa ambisyon. Kapag ginawang Diyos ang ambisyon pati kapwa tao sisirain. Mayroon po sa aking nagsabi na may matagal nang karanasan sa pakikipaglakbay sa mga tao na nalullulong sa ibat ibang uri ng bisyo. Sabi niya sa akin ang pagkalulong sa bisyo mayroong medical concerns yan. Mayroon ding poverty concern. Mayroong family concern. Mayroong neighbor concern yung mga hindi magagandang impluwensya. Pero ito ang nagulat ako, ito rin ay faith concern. Kapag ako ay naging dependent sa alkohol, ang alkohol ay parang nagiging diyos at kapag tumawag ang alcohol, ‘Halika, inumin mo ako’ Tayo nananampalataya sa alkohol sasabihing ‘Panginoong San Miguel narito ako handang sumunok sa iyo. Laklak laklak.’ Kasi ang pananampalataya ko naibigay ko na doon sa alkohol.

Sugal. Kapag ang sugal ang panginoon, tatawag siya. Halika. At ang pananampalataya natin doon natin ibibigay kahit natatalo na, nalululong na sasabihin subukan pa, subukan pa nandito ako tutugon ako sa’yo.

Ganundin sa mga iligal na droga. Sino ang ating Panginoon? Kilalanin natin ang tunay na Diyos, si Hesus. Siya lang ang susundan, Siya lang. Hindi ang pera, hindi ang puder, hindi ang kapangyarihan. Hindi ang mga gawa ng tao na umaalipin sa atin. Ang pananampalataya, pagtalima, pagsunod kay Hesus. Siya ang kilalanin. Kaya po ang isang mensahe sa atin ngayon, kilalanin si Hesus, Siya ang Panginoon at ang mga nagpanggap na diyus-diyosan na akin nati’y kinikilala at sinusunod, hindi na sila.

Si Hesus ang aking susundan, hindi na ako magpapaloko sa iba pang huwad na Diyos.

Tatanungin ko kayo, ano ang mas mahalaga ‘Ang misa o 50 million dollars’ [Crowd answered: ‘Misa’.] Parang ang sama-sama ng loob. Pero sa araw-araw na buhay dapat ganiyan po, araw-araw na buhay, araw-araw na buhay, pananampalataya. May tumutukso sa tin, ako ang gawin mong diyos, manalig ka si Hesus. Si Hesus ang pipiliin

At bilang panghuli po, ang pananampalataya na kumkilala kay Hesus, tumatalima sa Kanya umuuwi sa pag-asa. Ito po ang mensahe ng unang pagbasa kay San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma, ang pananampalataya ang pundasyon ng pag-asa. Ang binigay sa atin na halimbawa si Abraham. Si Abraham po matanda at ang asawa niyang si Sarah hindi magkaanak pero nangako ang Diyos, ikaw ay magiging ama ng napakaraming anak.

Salamat na lang sa pananampalataya naniwala, nanalig si Abraham. Kung walang pananampalataya, puwede siyang magpilosopo si Abraham. Puwede niyang sinabi sa Diyos, Diyos naman ang tanda ko na. Ang asawa ko ilang taon na hindi magkaanak. Hindi nga kami makaisang anak sabi mo magiging ama ako ng napakarami? Imposible yan. Pero ang imposible sa tao, hindi iyon ang pinakinggan ni Abraham. Hindi human logic ang inintindi ni Abraham. Ang mahalaga sa Kanya, ang nagsasalita ay ang Diyos. Kahit hindi ko ito lubusang nauunawaan, mananalig ako, umasa siya at nagkaanak sila – si Isaac. At mula kay Isaac ang lipi ng bayang Israel.

Kapag nanampalataya ka sa Diyos, may dahilan para umasa. Alam kong ang mundo natin ngayon kay daling mawalan ng pag-asa. Kaydaling sabihin, wala na, wala nang mangyayari diyan. Napakahirap makipagmeeting, ano ho, nag-iisip kayo ano kaya ang puwedeng gawin tapos bawat suggestion babarahin, ‘wala yan walang mangyayari diyan’.

Subukan kaya natin to, ‘wala yan nasubukan na ‘yan walang mangyayari diyan. Hindi mababago ang mundo ng mga taong walang pag-asa. The world will never be renewed by people who are desperate. The world can be renewed only by people filled with hope. No one can be an agent of renewal if a person is not working from hope.

Para po sa mga kasanlakbay, kayo ang buhay na sagisag, may pag-asa. Walang tao na puwedeng sabihin you are a hopeless case. Sa pananampalataya natin sa Diyos, alam natin bawat anak niya, bawat nilalang niya ay magiging katulad ni Abraham na pinag-usapan pa ng madla, kinukutya si Sarah, hinihiya at kinukutya si Abraham at si Sarah pero nanalig sila sa Diyos at napatunayan may pag-asa sa Diyos.

Kaya nananawagan po tayo sa lahat. Tingnan po natin ang bawat kasanlakbay, bawat isa sa kanila, bawat isa na nakilakbay sa kanila ay binhi ng pag-asa sa ating bayan at sa ating mundo. Salamat kay Hesus na nananawagan sa atin.

Salamat sa pananalig at sa pag-asa na Kanyang bigay. Idalangin natin sa ating Mahal na Birhen an gating mga alalahanin, Siya na nabuhay sa pananampalataya at naging ina ng pag-asa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 6,639 total views

 6,639 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »

Inevitable Disaster

 13,748 total views

 13,748 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »

Walang patumanggang ganid

 23,562 total views

 23,562 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »

Sinong dapat humingi ng tawad?

 32,542 total views

 32,542 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »

Tutukan ang latest

 33,378 total views

 33,378 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 6,236 total views

 6,236 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 6,221 total views

 6,221 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 6,181 total views

 6,181 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 6,234 total views

 6,234 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 6,236 total views

 6,236 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 6,182 total views

 6,182 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 6,281 total views

 6,281 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 6,191 total views

 6,191 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 6,233 total views

 6,233 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 6,176 total views

 6,176 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 6,244 total views

 6,244 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Holy Cross Parish, Makati

 2,581 total views

 2,581 total views Sept. 13 9th day Novena Mass Ngayon po ang huling araw ng pagno-nobena ngayong bisperas ng kapistahan ng Tagumpay ng Krus ni Hesus. Ang atin pong fiesta sa taong ito ay napapaloob sa itinakda ng mga obispo ng Pilipinas bilang tema ng taong ito, walang iba kundi ang ‘Parokya bilang Communion of Communities’

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top