Pangulong Duterte, pinaalalahanan sa pangako sa mga maralita.
354 total views
354 total views Muling ipinaalala ni SIKAP LAYA Inc. lead convenor Rev. Fr. Pete Montallana kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga naging pangako sa mga maralita noong panahon ng kampanya. Ayon sa Pari, mariing pinanghahawakan ng mga mahihirap na mamamayan ang kanyang naging pangako na pagtulong sa mga maralita partikular na ang pagbibigay ng pabahay.