Pagbobomba sa Jolo cathedral, kinundena ng CHR
151 total views
151 total views Kinundina ng Commission on Human Rights (CHR) ang naganap na dalawang magkasunod na pagsabog sa kasagsagan ng Banal na Misa sa Jolo Cathedral. Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, karumal-dumal ang sinapit ng mga biktima ng pagsabog kung saan umabot ng 20 ang namatay habang mahigit 80 naman ang sugatan.