Cultural
Taumbayan, pinag-iingat ng Simbahan sa social media scams
217 total views
217 total views Pinaalalahanan ng pinunong pastol ng Arkidiyosesis ng Cebu ang bawat mananampalataya na maging mapanuri sa mga lumalabas sa social media upang makaiwas sa pananamantala ng ilang indibidwal. Ayon kay Archbishop Jose Palma, ugaliin ang pagtiyak sa bawat impormasyong nakukuha at nababasa lalo na sa social media platform na kadalasang ginagamit ng mga manloloko.