Pari, sugatan sa pamamaril sa Laguna
180 total views
180 total views Umaasa si San Pablo Laguna Bishop Buenaventura Famadico na malutas ang naganap na pananambang sa San Pablo City nitong Lunes kung saan kabilang sa sugatan ang isang pari. Ayon sa Obispo hindi kailanman katanggap-tanggap ang paggawa ng masama sa lipunan lalo na ang paghahasik ng karahasan kaya’t mariin nitong kinokondena ang nangyaring pananambang.