Cultural
Paggamit ng dahas ng PNP sa Traslacion 2020, kinundena ng CHR
302 total views
302 total views Kinondena ng Commission on Human Rights ang labis na paggamit ng puwersa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa katatapos lamang na Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, maituturing na kalabisan ang paggamit ng dahas ng mga kawani ng PNP laban sa mga deboto.