Mining contract ng OceanaGold Philippines, pinapakansela kay Pangulong Duterte.
5,834 total views
5,834 total views Kinondena ng mga makakalikasang grupo ang patuloy na pagmimina ng OceanaGold Philippines Inc.(OGPI) sa Didipio, Nueva Vizcaya. Ito ay sa kabila ng pagpasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ng Resolution No. 2019-3107 na nagpapatigil sa kontrata ng O-G-P-I. Nakiisa ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa panawagan ng Didipio Earth Savers Multisectoral Alliance