Paglitaw ng rice black bugs, isinisisi sa maling gawain ng tao sa kalikasan
809 total views
809 total views Pagbabago sa natural na sistema ng kalikasan at mga maling gawain ng mga tao ang posibleng sanhi ng paglaganap ng peste sa kapaligiran. Ito ang tinitingnang dahilan ni Leonora Lava, dating Senior Food and Ecological Agriculture campaigner ng Greenpeace Southeast-Asia kaugnay sa paglitaw ng mga alitangya o rice black bugs sa Nueva Ecija.