Kapangyarihan ng pagpapatawad
363 total views
363 total views Mga Kapanalig, isa sa pinakamahirap gawin ay ang humingi ng tawad. Marahil ay mas mahirap pa nga ito kaysa magpatawad. Nang bumisita kamakailan si Pope Francis sa Canada, humingi siya ng tawad para sa mga pang-aabuso, pagsira sa mga pamilya, at pagpatay sa mga katutubo sa ngalan ng pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko roon.