Tuloy man ang eleksyon o hindi, bantayan ang barangay
400 total views
400 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections. Kung magiging ganap na batas ang House Bill No. 4673, isasagawa ang eleksyon sa mga barangay sa unang Lunes ng Disyembre 2023.