KMP, nanawagan sa pamahalaan na ibigay na ang ayuda sa mga apektado ng bagyo.
530 total views
530 total views Umapela ng tulong ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa pamahalaan para sa mga magsasakang naapektuhan ng sunod-sunod na pananalasa ng bagyo. Ayon kay KMP chairman Danilo Ramos, 10-libong piso kada magsasaka at hanggang sa 15-libong piso namang production subsidy para sa ibang manggagawa sa sektor ng agrikultura ang kakailanganin na tulong pinansyal.