Aktibong partisipasyon ng simbahan sa usaping panlipunan, tiniyak ng Caritas Philippines
2,189 total views
2,189 total views Tiniyak ng social action and development arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapatuloy sa misyon nitong paigtingin ang aktibong partisipasyon ng Simbahan sa mga usaping panlipunan. Ito ang pangako ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kasunod ng muling pagkakahalal para sa kanyang huling termino bilang Pangulo ng Caritas Philippines