PHILHEALTH, nagbabala sa mga hacker
4,179 total views
4,179 total views Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa mga nagpapakalat ng malisyosong impormasyon sa internet at social media. Kaugnay ito sa insidente ng ransomware attack o hacking sa website ng PhilHealth noong Setyembre 22 na nakaapekto sa sistema ng ahensya partikular na sa member portal, health care institution (HCI) portal, at e-claims.