Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 91,194 total views

Nakakaalarma…

Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho.

Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong 2022, naging 6.4-percent sa 1st quarter ng taong 2023 at 5.7-porsiyento na lamang sa unang quarter ng 2024.

Ang pagbagal ay pinatunayan ng quarter on quarter Gross Domestic Product (GDP) growth na 3.1-percent sa ikatlong quarter ng taong 2023, naging 1.8-porsiyento sa 4th quarter at 1.3-porsiyento sa unang quarter ng kasalukuyang taon.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, ang mabagal na paglago ng ekonomiya ay sinabayan ng “job losses” o pagbaba ng bilang ng mga may trabaho na naitala sa 1.3-milyon. Mula sa 49.3-milyon na employed noong 2023 ay bumaba ito sa 48-milyon sa unang quarter ng 2024.

Ayon sa IBON Foundation, ang mabagal na economic growth at mahinang “job creations” ay sanhi ng mahina at hindi akmang economic foundations ng Pilipinas. Sa datos na nakalap ng IBON Foundation, naitala ng manufacturing sector ngayong 2024 ang pinakamaliit na share sa GDP sa nakalipas na 75-taon… Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Agriculture, Forestry at Fishing sector ang may pinakamaliit na ambag sa GDP na 0.4-porsiyento sa unang quarter ng taong 2024 mula sa 2.2-percent noong 2023.

Tinukoy ng IBON ang mabagal na economic growth sa mahinang domestic demand dahil nabawasan ang paggastos ng mga pamilyang Pilipino dahil sa mababang income at mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kapanalig, nakakahinga ka pa ba? Dahil sa mababang income, nahihirapan ang mga pamilyang Pilipino na tugunan ang mataas na daily cost of living. Sinabi ng IBON na simula April 2024, ang average minimum wage nationwide ay 441-pesos lamang o 36.5-percent ng 1,208-pesos na average family living wage ng isang manggagawa na mayroong 5-miyembrong pamilya.

Dahil kapos ang kinikita ng mga Pilipino, lumabas sa SWS survey na tumaas sa 14.2-percent ang mga pamilyang Pilipino na dumaranas “involuntary hunger” nitong March 2024 mula sa 12.4-percent noong December 2023. Itinuturing naman ng 46-porsiyento ng mga Pilipino na “poor” o mahirap ang sarili habang 33-percent naman ang nagsabing nasa katamtamang kalagayan.

Nasaan ang pamahalaan? Ano ang tugon ng administrasyon ng Pangulong BBM sa katotohanang ito?

Kapanalig, ipinapaalala sa encyclical ni Pope Leo XIII na “Rerum Novarum” sa mga employer ang responsibilidad na bigyan ng “tamang pasahod at patas na working hours” ang kanilang mga manggagawa. Hinimok din ang mga estado o pamahalaan na i-regulate ang patas at tamang pasahod at working conditions ng mga manggagawa.

Sa liham ni St. Francis Assisi, ipinaunawa ng santo na “Labor was not for profit; rather it was for the sake of example and to repel idleness”.

Sumainyo ang Katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,182 total views

 6,182 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,498 total views

 14,498 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,230 total views

 33,230 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 49,741 total views

 49,741 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,005 total views

 51,005 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 6,183 total views

 6,183 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,499 total views

 14,499 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 33,231 total views

 33,231 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 49,742 total views

 49,742 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 51,006 total views

 51,006 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 52,917 total views

 52,917 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,142 total views

 53,142 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 45,844 total views

 45,844 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 81,389 total views

 81,389 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,265 total views

 90,265 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 101,343 total views

 101,343 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 123,752 total views

 123,752 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 142,470 total views

 142,470 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,219 total views

 150,219 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top