Total ban sa POGO, pinuri ng Obispo
8,976 total views
8,976 total views Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagbabawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa lahat ng aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa Pilipinas. Ayon sa Obispo, tama ang desisyon ng Pangulo sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) upang mapabuti ang ekonomiya at mabawasan ang krimen sa Pilipinas.