10 parokya sa Diocese of Cubao, nalubog sa baha
16,456 total views
16,456 total views Sampung parokya sa Diocese of Cubao ang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at hanging Habagat. Ayon kay Cubao social action director, Fr. Ronnie Santos, pinakamatinding apektado ng nagdaang sakuna ang San Antonio de Padua Parish sa San Francisco del Monte at Most Holy Redeemer Parish sa Masambong sa Quezon City.