Tulong sa mga apektado ng bagyong Carina, inihatid ng Caritas Manila sa Diocese of Kalookan
13,106 total views
13,106 total views Nagpapasalamat si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa tulong na inihatid ng Caritas Manila sa mga nasalantang mamamayan ng bagyong Carina. Ayon sa Obispo, napakahalaga ng pag-uugnayan ng mga Social Arm at Diyosesis upang agad na maihatid ang tulong sa mga mamamayan na nasasalanta ng bagyo sa ibat-ibang panig ng bansa.