15,094 total views
Inatasan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga parokyang saklaw ng Archdiocese of Manila na magsagawa ng second collection para sa mga biktima ng Bagyong Carina.
Sa liham-sirkular ni Cardinal Advincula, inihayag nito ang pakikiisa at pananalangin para sa mga lubhang naapektuhan ng matinding ulan at pagbaha.
Isasagawa ang pangangalap ng second collection sa mga parokya at pamayanan mula sa Anticipated Mass sa Sabado, July 27, 2024 at sa buong araw ng Linggo, July 28, 2024.
“May we request our priests, consecrated men and women, and lay leaders to continue extending the compassion of the Lord Jesus to the victim, the poor, the hungry, and all those in need,” panawagan ni Cardinal Advincula.
Samantala, nagpapasalamat din ang kardinal sa pagbubukas ng mga simbahan at tahanan upang kalingain at patuluyin ang mga apektado ng sakuna.
Patuloy namang hinihikayat ni Cardinal Advincula ang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat habang bumabangon sa iniwang pinsala at alaala ng Super Typhoon Carina at hanging Habagat.
“Panginoon, sa hudyat ng Iyong salita
ay sumusunod ang hangit at dagat.
Iunat Mo ang Iyong mapagpalang kamay
upang huminto na ang ulan at pagbaha.Lingapin mo ang aming mga kapatid
na ngayo’y giniginaw, nagugutom,
at nalubog sa tumataas na baha.Pawiin mo ang lahat ng aming pangamba.
Imulat Mo ang aming mga mata
at buksan ang aming mga puso
upang kami’y makatugon nang bukas-palad
sa aming mga kapaitd na nangangailangan.Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristo, kasama ng Espiritu Santo,
Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.”