6,006 total views
Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan ng Agosto.
Ito ayon kay Chris Perez, assistant weather chief ng Pagasa sa panayam ng Veritas Pilipinas.
Hinihikayat ni Perez ang publiko na patuloy na maghanda at tuwinang mag-antabay sa paalala ng Pagasa at lokal na pamahalaan.
“Ngayong August po mayroong possibility na baka may monitor tayo na mamuo sa loob ng PAR o pumasok dito sa loob ng PAR ng mga at least two hanggang tatlo 3 na bagyo for the month of August kaya sa mga kababayan po natin dapat mag antabay din ng daily weather update,” ayon kay Perez.
Sa buwan ng July, tatlong malalakas na bagyo ang naitala ang mga Bagyong Dodong, Egay at Falcon na kasalukuyan pang nasa teritoryo ng Pilipinas na pawang nanalasa sa hilagang Luzon.
Sa kasalukuyan ay umiiral din sa malaking ng bansa ang wind sytem na hanging habagat na bagama’t hindi kasing lakas ng bagyo ay mas napag-iibayo naman ang habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.
“So, sa nangyayari po nating senaryo ngayon, malakas yung Falcon at dahil lakas niya hinahatak niya yung habagat palapit ng ating bansa,” paliwanag ni Perez.
Ang bagyong Falcon ay ang ika-anim na bagyo na pumasok sa bansa mula sa karaniwang higit 20 bagyo kada taon.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 670-libong pamilya o 2.4-milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay.
Umabot na rin sa 25 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, 52 ang nasaktan, habang 13 naman ang nawawala