298 total views
Sinimulan na ng Archdiocese of Lingayen, Dagupan ang dalawang buwang pagpapatunog ng kampana bilang pagpapahayag ng hinaing at panawagan para sa katarungan, kapayapaan at katotohanan.
Ang 3-minutong pagpapatunong ng kampana tuwing alas-otso ng gabi sa arkidiyosesis ay nagsimulang isagawa noong Sabado, ika-27 ng Hulyo at magtatagal hanggang sa ika-28 ng Setyembre 2019.
Layon nito na magsilbing boses at tinig ng mga mananamapalataya sa patuloy na pagtaas ng mga napapatay, kasinungalingan at paninirang puri sa mga inosenteng indibidwal.
Umaasa rin ang arkideyosesis na magsilbing panawagan ang naturang tunog ng kampana upang aktibong kumilos at makibahagi ang bawat isa sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, kaayusan at dignidad ng buhay ng bawat nilalang.
Bukod dito, layunin rin nito na maipaabot sa Panginoon ang pagtangis at panalangin ng mamamayan upang mabigyang katarungan ang mga namatay, naabuso at pagpapanibago ng mga criminal.
“As we hear the tolling of the church bells let it remind us that, amidst the deafening shouts of indecency, lies and senseless killings, our silence adds to the growing number of deaths and calumnies around us. Let the tolling of the bells be our voice, crying for justice, peace and truth. Speak up! Let the bells move us to action!be involves and stand for truth, justice, decency and the dignity of life!” pahayag ng Archdiocese of Lingayen, Dagupan.
Kaugnay nito, magpapahayag ng pakikiisa at pagsuporta ang mananampalataya ng Archdiocese of Lingayen, Dagupan sa pinunong pastol ng arkidiyosesis na si Archbishop Socrates Villegas na idinadawit sa planong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.
Sa pamamagitan ng isang Banal na Misa ganap na alas-tres y medya ng hapon sa Miyerkules ika-31 ng Hulyo ay ipapakita ng mananampalataya ang kanilang suporta sa hamong pinagdadaanan ni Archbishop Villegas na.
Isasagawa ang Banal na Misa sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City na susundan ng prosesyon at candle-lighting ceremony.
Naunang nagsagawa ng prayer vigil at banal na misa ang mananampalataya ng Diocese of Cubao bilang pakikiisa at suporta kay Bishop Honesto Ongtioco na kinasuhan din ng sedition ng PNP-CIDG at Office of the Solicitor General.
Read: Prayer power