25,984 total views
Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang patuloy na pagpapabuti sa mga programang maaring magamit ng mga miyembro.
Iniulat ng Philhealth sa pulong balitaan ang pag-iral ng 30% increase sa mga piling medical benefits program sa mga miyembro.
Ipinatupad ito February 14,2024 kasabay ng paggunita sa ika-29 na taong pagkakatatag ng PHILHEALTH sa ipinagdiwang sa temang ‘Damang-dama ko ang Benepisyo’.
“We at PHILHEALTH, are grateful that we are ablr to support the president in his vision of Bagong Pilipinas, to make this happen, we continue to strengthen our resolve to envigorate our
healthcare delivery system under our thrust of ‘Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mamamayang Filipino,” ayon sa mensahe ng PHILHEALTH na ipinadala sa Radio Veritas.
Sa bisa ng inisyatibo, tumaas hanggang tatlumpung porsyento ang halaga ng mga medical financial assistance na maaring makamit ng mga miyembro na mayroong mga karamdaman katulad ng Chronic
Kidney Disease, Pnuemonia, Ischemic and Hemmorhagic Stroke at iba pang care packages.
Pangako naman ni PHILHEALTH President Emmanuel Ledesma Jr. na sa kabila ng naunang pag-iral ng 5% increase sa singil sa monthly premium ang paglalaan nito para sa mga miyembro at paggamit ng
wasto sa pondo para sa pagpapagamot at benepisyo ng mga Pilipino.
Ito ay matapos umabot sa hanggang 45-billion pesos para sa huling limang buwan ng 2023 ang mga nabayarang hospital bills ng PHILHEALTH para sa kanilang mga miyembro, habang hanggang 14.5-
billion naman ang datos para sa unang dalawang buwan ng 2024.
Kaugnay nito, una nang sinuportahan ng simbahang katolika ang Universal Health Care Law at iba pang kaakibat na programa ng pamahalaan na magpapabuti sa kalagayan ng sektor ng kalusugan sa bansa.