10,998 total views
Nadismaya ang Church Based Labor Group na Church People Workers Solidarity (CWS) sa 35-pisong dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region.
Ayon sa CWS, malinaw na hindi makatarungan at maituturing na patuloy na pagnanakaw sa mga manggagawa ang hindi pagtataas ng suweldo.
“Wage theft, unjust!: CWS on the Php35 minimum increase in Metro Manila. CWS likewise reiterates Church teachings on just wage: “We therefore consider it our duty to reaffirm that the remuneration of work is not something that can be left to the laws of the marketplace; nor should it be a decision left to the will of the more powerful. It must be determined in accordance with justice and equity,” ayon sa mensahe ng CWS na ipinadala a Radio Veritas.
Binigyang diin ng CWS ang mga ensilikal ni Pope John the 14th at Pope Leo the 13th na Rerum Novarum at Mater et Magistra.
Ayon sa Church Based Labor Group, katulad ng katuruan ng mga ensiklikal ay dapat unahin ng pamahalaan kasama na ang mga employers ang kapakanan ng mga manggagawa sa halip na unahin ang layuning kumita ng higit pa sa kanilang kinakailangan.
“Mater et Magistra #71, employers must remember that no laws, either human or divine, permit them for their own profit to oppress the needy and the wretched or to seek gain from another’s want, to defraud anyone of the wage due him/her is a great crime that calls down avenging wrath from Heaven: Behold, the wages of laborers which have been kept back by you unjustly, cry out: and their cry has entered into the ears of the Lord of Hosts (James 5:4).” – Rerum Novarum #20,” ayon pa sa mensahe ng CWS.
Mariin din ang pagkundena ni Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis sa kakarampot na 35-pisong wage hike.
Sinabi ng KMU na barya lamang at hindi sapat ang dagdag suweldo upang matustusan ang pangangailangan ng mga manggagawa na una ng naapektuhan ng mabilis na inflation rate.
“Ang panawagan ng mga manggagawa ay nakabubuhay na sahod, pero ang ibibigay satin ay masahol pa sa barya. Akala ata ni Marcos Jr. ay maloloko niya tayo sa kanyang pagpapapogi at pagpapabango. Sa aming mga manggagawa, malinaw ang kanyang nagiging legasiya – barat, pabaya, sinungaling, pasista!” ayon sa mensahe ni Adonis na ipinadala sa Radio Veritas.