7,999 total views
Mahigit sa 350-libo uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang nakatalaga sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.
Ang nasabing bilang ang mangangalaga sa seguridad at kapayaan para sa maayos na pagdaraos ng BSKE.
“The AFP stands together with our partners from other government agencies and our counterparts in law enforcement to ensure peace and security during the BSKE on October 30,” ayon sa mensahe ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner.
Ipinaala ni Brawner sa mga uniformed personnel na isantabi ang pansariling interes at suporta sa mga kandidato.
Sa bilang, 187-libo ang mula sa PNP, 117-libo naman ang mula sa AFP, at higit sa 30-libo ang mula sa PCG kabilang ang kalahating milyong guro at Department of Education personnels ang mangangasiwa sa BSKE.
Umaasa naman si Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo na maisabuhay ng mga layko na kandidato ang mga aral at katuruan ng simbahan.