449 total views
Ito ang apela ng Alliance of Labor Union – Trade Union conggress of the Philippines (ALU-TUCP) sa pamahalaan sa pagsusulong ng National Economic Development Authority (NEDA) at iba pang grupo sa dalawang polisiya upang maibsan ang pasakit na dulot ng napakataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang 4-Days Work Week ay may panuntunang ipatupad ang apat na araw lamang na pasok kada linggo at mahigit sampung oras na trabaho kada araw.
“The Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) reminds all business owners, employers and the government that the proposed 4-day compressed work week as well as the ‘Work From Home’ are not mandatory, and cannot be compelled by Government in the private sector,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Alan Tanjusay – Spokesperson ng ALU-TUCP.
Umaapela din ni Tanjusay na panatilihin ng mga employers ang tamang sahod, benepisyo at bayad sa over time ng mga manggagawa sakali mang ipatupad ito.
Ito ay kasabay ng pangambang hindi lahat ng uri ng trabaho ay maaring gawin sa ilalim ng dalawang panuntunan kung kaya’t ang karagdagang oras ay maaring magresulta ng labis na pagkapagod at aksidente sa trabaho.
Paalala din ng ALU-TUCP na dapat ay maging malinaw ang kasunduan sa pagitan ng mga manggagawa at employers kapag ipinatupad ang dalawang work scheme upang maiwasan ang pagmamalabis na maaring maranasan ng mga manggagawa.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng papeles o dokumento ng kasunduan na ipapasa naman sa Department of Labor and Employment.
“Workers must therefore be consulted regarding the compressed work week, workers will also have to voluntarily agree to the proposal, the agreement must be reduced to writing, and the agreement must be submitted to the Department of Labor and Employment (DOLE) to ensure monitoring and no management abuse. We further emphasized that these flexible work arrangements should be compliant with the non-diminution of wages and benefits,” pagbibigay diin ni Tanjusay.
Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga Economic leaders ng iba’t-ibang na ipatupad ang mga polisiyang tutulong sa pag-unlad at kalidad ng pamumuhay ng kanilang nasasakupang mamamayan.