2,075 total views
Hinamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga inordinahang pari ng Archdiocese of Manila na pagsilbihan ang bawat isa sa kanilang pagiging bagong pastol ng Simbahan.
Ito ang paalala ni Cardinal Advincula sa ordinasyon ng apat na pari ng Arkidiyosesis ng Maynila.
Nilinaw ng Arsobispo na ang lahat ng pari ay nahaharap sa ibat-ibang uri ng paniniil sa kanilang pananampalataya.
“Take note, that you are asked to go to all the world, and to the whole world not just to the easy, convenient and comfortable world, not just to the world that will applaud, affirm and praise you, but to all the world, to the whole world event to the world that hates, persecutes and rejects the disciples of Jesus,” ayon sa naging pagninilay ni Cardinal Advincula.
Tiwala si Cardinal Advincula na magamit ng mga bagong pastol ang kanilang misyon upang magsilbing pag-asa sa mas maraming mamamayan sa lipunan.
Si Father Vicente Gabriel SJ Bautista at Father Aldwin Ivan Gerolao ay itinalagang formator ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary.
Habang si Father Xavier Paul Jacome naman ay Attached Priest ng Mary Comforter of the Afflicted Parish at si Father Tom Calingasan LRMS, ang magiging Parochial Vicar ng San Jose de Trozo Parish.