166 total views
Wala ng masyadong epekto ang endorsement ng mga relihiyon ngayon sa mga kandidato.
Ayon kay Political analyst Ramon Casiple, kanya-kanya na ang mga botante ngayon kung saan may sumasang-ayon sa endorsement, sa prinsipyo at pera.
Pahayag pa ni Casiple, may mga botante ngayon na mapili at talagang kinikilala muna nila ang mga kandidato kung may nagawa na ba o makakatulong sa kanilang pamumuhay .
“Wala na masyado , ang mga botante iba-iba na fragmented tayo ng mga botante, merong madadala sa sa endorsement ,s a pera, sa prispipyo pero at the end of the day, sarili nila masusunod, kaya mahirap ngayon, maraming switches kasi kilatis sila ng kilatis ngayon sino ba talaga ang nakakatulong sa kanila, ay ang problema ang limang ito may kalakasan at kahinaan at hindi magkakapareho kaya di pede ikumpara, may karanasan pero may problema sa values, may baguhan, pero wala naman siya record, mahirap ang choices.” Pahayag ni Casiple sa panayam ng Radyo Veritas.
Nasa 54.6 milyon ang rehistradong botante ng May 9, 2016 elections.