6 total views
Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pakikiisa at patuloy na pananalangin sa 44 na Pilipinong nasa death row sa ibayong dagat.
Ayon kay CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos, nawa ay mabatid nila na kailanman ay hindi sila kakalimutan ng Pilipinas higit na ng simbahan kung saan nagpapatuloy ang mga kampanya at apela para sa kanilang paglaya.
Nawa ay makarating din sa kanila ang suporta sa pamamagitan ng pananalangin at iba pang pamamaraan upang maunawaan na hindi sila kinakalimutan ng kanilang bayan na pinagmulan.
“We continue to advocate for your rights and seek justice on your behalf,
May you find strength in the knowledge that you are not alone. The entire nation stands behind you, praying for your safety and hoping for a just resolution to your cases. Let your faith be your anchor, and may you draw comfort from the love and support of your fellow Filipinos,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Panalangin pa ni Bishop Santos para sa kanila ang pagbibigay ng Panginoon ng katatagan ng kanilang loob habang nililitis ang kanilang mga kaso at habang nananatili sa loob ng mga piitan sa ibayong dagat.
Umaasa ang Obispo na hindi sila mawalan ng pag-asa at patuloy na manalig sa Panginoon.
“In these trying times, remember that hope is a powerful force. It can sustain you through the darkest moments and guide you towards a brighter future. We believe in the power of prayer and the possibility of miracles. Hold on to hope, for it is the light that will lead you through,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ang Mensahe ni Bishop Santos ay matapos matiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na aprubado na ng pamahalaan ng Indonesia ang paglilipat kay Mary Jane Veloso mula sa kanilang bansa patungong Pilipinas matapos ang labing-apat na taong pagkakulong.
Sa datos ng Department of Migrant Workers, umaabot sa 44-Pilipino ang nahatulan ng kamatayan sa ibayong dagat, 41 ang nasa Malaysia, Dalawa sa Brunei at isa naman sa Saudi Arabia.