Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

47 YSLEP scholars ng Caritas Manila, nagtapos na Magna Cum Laude at Cum Laude

SHARE THE TRUTH

 156 total views

Hinihikayat ni Manila Archbibhsop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mamamayan na tulungan ang mga kabataan na nais na makapag-aral.

Ang paanyaya ni Cardinal Tagle ay kaugnay sa isinagawang Caritas Manila at Radio Veritas youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) Telethon na layunin makapangalap ng pondo para tustusan ang pag-aaral sa kolehiyo ng may limang libong kabataan mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na bagama’t maraming paaralan ang may libreng matrikula ay marami pa ring kabataan ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa kakapusan ng baon para sa pamasahe, pagkain at iba pang pangangailangan sa paaralan lalu na sa mahihirap na lalawigan.

“Nakakalimutan ‘yun minsan, akala pag sinabing gastos sa edukasyon naiisip lang ‘yung matrikula. Maraming bata ang tumitigil sa pag-aaral kahit libre ang matrikula pero tumitigil dahil walang pamasahe, walang pambili ng pagkain, walang matitirhan. Kaya mahalagang magtulong-tulong tayo para maibigay ‘yung mga conditions para makapag-aral ang mga bata,” ayon kay Cardinal Tagle sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinagdarasal ni Cardinal Tagle na maging bahagi ang bawat isa para sa edukasyon at paghuhubog ng mga kabataan na maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan na silang mga susunod na pinuno ng simbahan at ng lipunan.

“Paghuhubog at edukasyon ng kabataan hindi lamang para maging matalino kungdi para maging kapaki-pakinabang na mamamayan at pinuno ng ating simbahan at lipunan,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Scholars ng YSLEP sa Mindanao

Ikinagagalak at ipinagmamalaki ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang pagtatapos ng tatlumpu’t isang college students mula sa Basilan sa pamamagitan YSLEP.

Taong 2015 nang ilunsad ng Caritas Manila ang YSLEP Peace Building and Education Program at maging bahagi ng programa ang rehiyon ng Mindanao kabilang na sa Basilan na dating pinamumunuan ng arsobispo.

Ayon kay Archbishop Jumoad, mahalaga ang pagtutulungan sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at pananampalataya para na rin sa pagkakaroon ng kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng edukasyon.

“To be a peaceful province (Basilan) because they have their faith in each other because they are already aware ano talaga ang gagawin para makamtan ang kapayapaan and through education talaga,” sa pahayag ni Archbishop Jumoad.

Paanyaya ng Arsobispo,”Ipakalat nyo po sa mga Muslim brothers and sisters natin ito po ay walang bahid ng relihiyon. ito po ay for the sake of reaching out for those who really like to finish a degree.”

Si Farida Katoh, isang Muslim mula sa Basilan ay kabilang sa mga unang nagtapos sa YSLEP program ng Caritas Manila.

Sa kasalukuyan ay may 72 college scholars sa Mindanao; 96 sa Visayas; 149 sa Luzon at 744 sa Metro Manila.

Tuloy-tuloy na panawagan para sa YSLEP

Patuloy naman ang panawagan ng Caritas Manila para sa mga nais na tumulong sa mga kabataang mahihirap na nais na makapag-aral.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio veritas at executive director ng Caritas Manila, kinakailangan ng bansa ang mga bagong lingkod ng simbahan at lipunan.

“Hinubog natin ang mga kabataan na maging lingkod. We need future leaders na talagang may pagmamahal sa Diyos at kapwa lalu na sa mahihirap. Kaya’t naniniwala tayo na itong YSLEP program ng Caritas Manila ay isang magandang sagot sa pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan at sa paghubog din ng mga bagong henerasyon ng mga bagong lingkod ng ating bansa,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Patuloy na hinikayat ng Caritas Manila ang mga Kapanalig at mga mananampalataya na magbigay ng tulong para sa YSLEP.

Ayon kay Fr. Pascual ang pangangalap ng pondo ay para sa higit limang libong college scholars ng simbahan.

“Naniniwala tayo na the poor are not lazy they just lack the opportunity at ‘yan ang binibigyan ng pagkakataon ng Caritas Manila kasama ang mga libo-libong donors na naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon as a great social equalizer na kung mayroon talagang magpapalaya sa atin sa karukhaan at kamangmangan-ito ‘yung power of education na kung saan hinuhubog natin ang kabataan sa tinatawag naming knowledge skills and aptitude.” pahayag ni Father Pascual

Inihayag ni Fr. PAscual na ang programa ay hindi lamang nakatuon sa pag-aaral ng mga estudyante bagkus kabilang dito ang paghuhubog bilang mga lider ng simbahan at ng lipunan.

Nagsimula ang Caritas Scholarship noong 1953 at higit pang pinag-ibayo ang programa noong 2004 para i-akma sa makabagong panahon na hindi para lamang sa mga kristiyano kundi maging sa mga Muslim.

Ngayong taong 2019 sa ilalim ng YSLEP, may higit sa isang libo ang nagtapos sa kolehiyo kabilang na ang anim na magna cum laude; 41 ang cum laude at ilang pang academic achievers mula sa 51 diyosesis sa buong bansa.

“Ang atin pong hinihingi ay cash donations para matustusan ang ating programa sa YSLEP,” Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa ginanap na Caritas YSLEP Telethon sa Radio Veritas.
(Marian Navales-Pulgo)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,688 total views

 25,688 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,344 total views

 40,344 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,459 total views

 50,459 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,036 total views

 60,036 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,025 total views

 80,025 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 9,722 total views

 9,722 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 14,840 total views

 14,840 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 16,273 total views

 16,273 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 20,536 total views

 20,536 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 20,723 total views

 20,723 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 29,574 total views

 29,574 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 51,871 total views

 51,871 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 50,230 total views

 50,230 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 57,094 total views

 57,094 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 68,159 total views

 68,159 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 65,533 total views

 65,533 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 68,572 total views

 68,572 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 67,933 total views

 67,933 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 78,168 total views

 78,168 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 77,842 total views

 77,842 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top