185 total views
49-milyong piso o 850-libong Euro na humanitarian aid ang ibibigay na emergency assistance ng European Commission para sa mga nagsilikas na residente ng Marawi na apektado ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.
Inihayag ng E-U na mahigit 50-libong bakwits ang direktang makikinabang sa humanitarian aid.
“The unprecedented violence in Marawi has caused tens of thousands of families to flee, leaving everything behind. This has triggered a sharp increase in humanitarian needs as many of the displaced people are currently deprived of fundamental means to sustain their day-to-day lives”, said Pedro-Luis Rojo, Head of the East, South East Asia and Pacific Regional Office for the European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations (ECHO).
Sa pinakahuling datos, mahigit sa 400-katao na ang nasawi sa labanan at mahigit sa 400-libong mamamayan ang nagsilikas sa Marawi na itinuturing nang isang humanitarian crisis.
Pangunahing pangangailangan ng mga evacuees sa kasalukuyan ay pagkain, malinis na tubig, sanitation facilities at hygiene kits.
Kaugnay nito, patuloy din ang Simbahang Katolika sa pag-alalay sa pangangailangan ng mga bakwits.