176 total views
Pukawin at palakasin ang ekonomiya at bigyang oportunidad ang mga mahihirap upang kumita.
Ito ang paniniwala ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas 846 kaugnay sa nais ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na alisin ang 4P’s ng pamahalaan sa halip ay gamitin ito upang magbigay ng livelihood program para sa mga benepisyaryo.
Inihayag ni Father Pascual na kailangan pa ng karagdagang suporta ng pamahalaan ang 4P’s tulad ng mga economic program upang higit na matutulungan ang mga poorest of the poor sa lipunan.
“Kaya napakahalaga sa gobyerno is to stir the economy, provide opportunity for the poor to earn a living, at kapag siya ay kumita na, siya na ang bahala sa kanyang edukasyon at siya na ang bahala sa kanyang kalusugan. Puwede naman i-combine, pero ang problema naman dito, ang tinututukan ng 4Ps ay talagang poorest of the poor, kailanagan talaga gawang ng extra support from the government, sana samahan ang 4P’s ng economic program.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.
Batay sa mungkahi ni Piñol nais nitong ilipat ang 70-bilyong pisong pondo ng 4P’s sa mga livelihood programs at ibang proyektong pangkabuhayan na higit na makatutulong sa higit 4 na milyong pamilya sa bansa na benepisyaryo ng conditional cash transfer program ng pamahalaan.
Paalala naman ng ilang mga Obsipo na bagamat mayroong ibinibigay na tulong ang pamahalaan ay mahalagang matuto paring tumayo sa sariling mga paa ang bawat tao at huwag maging tamad at umasa na lamang sa ipinagkakaloob na tulong ng pamahalaan.