1,949 total views
Kinilala ng Caritas Philippines ang patuloy na pagsuporta ng mamamayan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ayon kay Caritas Philippine President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, malaking tulong ang programa upang magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng pera ang mga mahihirap na pamilya upang ipambili ng kanilang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
“We are glad that the public recognizes the importance of the 4Ps,” ayon sa mensahe ni Bishop Bagaforo.
Gayunpaman, muling ipinarating ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maayos na pamamaraan ng pagtulong sa mga mahihirap kung saan mabibigyan ang sektor ng pagkakataon na makapagtaguyod ng bago o sariling pagkakakitaan.
Ito ay sa pamamagitan ng mga inisyatibong lilikha ng sustainable at pantay na mga programang magbibigay ng ibat-ibang uri ng tulong sa mga pinakamahihirap na pamilya.
Umaasa ang Obispo na maiwasan rin ang pagsusulong ng pansariling interes at kapakanan ng mga pulitiko sa pagsusulong ng 4ps at mga inisyatibong itinataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
“However, we also need to ensure that the program is implemented in a way that is fair and sustainable and to ensure that the poorest and most marginalized people are prioritized. this should not be used to advance political interest, especially at the local level,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Bagaforo.
Unang tiniyak ni Jing Rey Henderson – Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines na hindi one-time-big-time ang mga tulong na ipinaparating ng Caritas Philippines sa benepisyaryo ng kanilang mga programa.