781 total views
Inaanyayahan ng Couples for Christ – Oikos ang mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na adbokasiya hinggil sa pangangalaga sa inang kalikasan.
Ito ang Stewardship-Save-Segregate-Seed o 4S advocacy na paraan ng pakikiisa at pagtugon ng CFC sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco upang pangalagaan ang sangnilikha.
“The 4S Advocacy is our community’s response to Pope Francis’ call in his “Laudato Si” for all citizens of the world especially Christians to “Care for our common home,” ayon sa grupo.
Isasagawa ang launching sa Huwebes, ika-18 ng Agosto sa ganap na alas-7:30 ng gabi sa pamamagitan ng zoom.
Magiging tagapagsalita sa programa si Msgr. Jerry Bitoon, HP, ang rektor at kura paroko ng Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit na tatalakayin ang paksang “Caring for Our Common Home – Laudato Si'”.
Kabilang rin sa magbabahagi ng mensahe si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David upang muling talakayin ang CBCP Pastoral Statement na “A Call for Unity and Action Amid a Climate Emergency and a Planetary Crisis.”
Matutunghayan ang 4S Advocacy Launching sa mga facebook page ng Couples for Christ at CFC Oikos – Caring for the Environment.