16,121 total views
Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa.
Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang paghahain sa Commission on Elections (COMELEC) ng disqualification cases laban sa limang kilalang political dynasties sa bansa noong ika-18 ng Oktubre, 2024.
Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng ilang pamilya sa pulitika.
“These political dynasties have turned politics into a family business, using the machinery of our government, for their personal enrichment rather than the public good.”pahayag ni Bishop Bagaforo
Binigyang diin naman ni Bishop Alminaza ang negatibong epekto sa pagkawala ng checks and balance safeguards ng pamamahala sa bansa dahil sa patuloy na pag-iral ng dinastiya na isang ugat ng katiwalian at paglapastangan sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Ikinalulungkot ni Bishop Alminaza na marami sa mga pulitiko ay nawalan na ng delicadeza.
“Many politicians seem to have lost their delicadeza. They seem to be unmindlful of the seven social sins attributed to Gandhi, one of which is “politics without principles”. With the present proliferation of political dynasties in our country – blatant violation of our Philippine Constitution – the checks and balance safeguards are lost, corruption is becoming worse and our social ills remain unsolved. No wonder until now, true and lasting remains elusive.” pahayag ni Bishop Alminaza.
Katuwang nina Bishop Bagaforo at Bishop Alminaza sa paghahain ng disqualification case ang ilang retired senior military officers na sina Major General Reynaldo Reyes ng AFP, Major General Wilfredo Franco at Brigadier General Noel Delos Reyes ng PNP, Col Guillermo Cunanan (PA), at Capt Roberto Yap (PA) na pawang mga kasapi rin ng ANIM.
Kabilang sa limang kilalang political dynasties sa bansa na ipinetisyon ng ANIM ay sina former President Rodrigo Duterte na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Davao City, Governor Matthew Marcos Manotoc sa Ilocos Norte, House Speaker Martin Romualdez sa Leyte, Senator Cynthia Villar sa Las Piñas, at Vice-Governor Peter Cua ng Catanduanes.
Unang nanawagan ang koalisyon sa publiko upang maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng mga incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang tuluyang ng mawakasan at malimitahan ang pananatili sa posisyon ng mga dinastiyang angkan sa bansa.